Nakapunta na ba kayo sa isang Lugar na maganda ang tanawin? Pwes kung di pa kayo naka punta may isang lugar akung nais ko sana kayong maanyaya. Ang Paseo ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko dito sa Iligan City. Dito mo makikita ang iba't-bang disenyong magaganda kagaya ng letrang ILIGAN CITY na ginawa para makita ng ibang tao kung gaamo kaganda ang Iligan City. Unang kita ko palang dito manghang-mangha na talaga ako dahil sa mga nakita kong kakaiba. Dito mo makikita ang isang malaking rebolto ni Lapu-Lapu na nakapatong sa semento. Makikita mo rin dito ang ibat-ibang disenyo ng ilaw, at magagandang kalesa na pwede mong sakyan. Makikita mo rin dito ang Mapa ng Pilinas na iginuhit sa sahig na semento. Maraming turista amg pumupunta dito dahil sa magagamdang tanawin at dahil na rin sa preskong hangin.Natuklasan ko ang Paseo dahil sa mga kaibigan ko, unang pasok ko palang rito nilibot na agad ng mga mata ko ang mga magagandang tanawin. Dito kasi mamawala talaga ang iyong problema dahil sa iba't-ibang tanawin at sa preskong hangin na iyong malalanghapan.Pwede niyo rin dito idiwang ang mga iba't-ibang pagdiriwang sa ating buhay kagaya ng Kaarawan, binyag, kasal, reunion, anibersaryo sa kasal at iba pa. Sa paseo kasi nin idiniriwang ang aming 2nd Grand Reunion dahil sa malaking espasyo at magagandang tanawin. Matitikman mo rin dito ang kanilang barbeque na kasyang-kasya sa bulsa sa halagang labindalawa lang. Dito mo rin magagawa ang mga iba't-ibang gusto mong gawin. May kalesang owede mong rentahan, bisikletang mataas ang mataas ang upuan at ang bandang amg sarap-sarap pakinggan. Mula noon hanggang ngayon binabalik-balikan ng mga turista ang paseo dahil sa magagandang tanawin. Ang paseo ang pinakamagandang pasyalan dito sa Iligan City. Pwede mong ring rentahan ang kanilang kalesa sa halagang 50 pesos sa tatlong libot.
Ang paseo di santiago ay nakasentro sa barangay santiago Iligan City, na pinamumunuan ni Fr. Zaragosa. Sa halagang pwedeng mo nang pasukin at makita ang kagandahan ng Paseo De Santiago. Noong unang pasok ko palang sa Paseo wala pa akong nakitang kalesa na pwedeng rentahan. Pagka balik ko noong idiniriwang namin ang aming Reunion may makikita kanang kalesa na inililibot ka sa espasyo at makikita mo ang lahat ng mga tanawin dito. Ngayon meron na ang lahat ng ito na pwede mong libangan at bigyan ng oras. Pwede ka ring kumuha ng litrato kahit saang banda. Pwede rin kayong mag-anyaya sa iyong kaibigan na may dinadalang poot sa dibdib. Pwede rin kayong mag Picnic dito at mag request ng kanta sa isang bandang may iba't-ibang instrumento. May kantahan rin tuwing biyernes, at Sabado dito kasi sumastambay ang lahat ng mga Estudyanteng galing paaralan. Tuwing gabi makikita mo ang iba't-ibang magagandang Ilaw, malinaw na agos ng dagat at ang malamig na simoy ng hangin. Marami ang pumunta dito dahil sa mliit lang ang pamasahe, sa halagang dalawamput'apat pwede kanang maka gala rito.
Sa Transportasyong papuntang Paseo, kahit maliit lang ang pera mo makakarating ka na rito. Maraming mga bagay-bagay ang pwedemong gawin dito. Sa malaking espasyo may palaruan ng mga bata. may barbequehan, at may ibat-bang pagkain na pwede mong bilhin. Pwede ka ring mag anyaya ng kaibigan para makita nila kung gaano kaganda ang Paseo. Pwede kayo ditong mag kwentuhan, at kumain nang kung anu-ano. Dito marami kang pwedeng gawin, pwede kang maglakad mag isa o kasam ang mga barkada at pamilya. Pwedeng-pwede ka ring mag lakad papunta rito kung wala kang pamasahe. Pwede kang magdala ng pagkain, pwede kang pumunta mag-isa, at pwede mo ring ilabas ang lahat ng iyong sama ng loob.
Paseo De santiago ay nakikilala dahil sa mga taong marunong umanyaya sa ibang tao, Nakikilala rin ito dahil sa kagandahan ng lugar at mga tanawin. May iba naman na dito na matutlog dahil sa pagod. May mga turista ring kumukuha ng litrato dahil sa ganda ng tanawin. Halos lahat ng pumupunta rito ay estudyante at magka Pamilya. May pumunta rin dito galing sa iba ang karatig lugar, kagaya ng Naawan, Lugait at Cagayan. May iba naman na pumupunta lang dito para makita ang taong totong nagpapatibok sa kanilang puso. Halos lahat ng tao rito ay nasisiyahan dahil sa magagandang mga tanawin at mga nagyayari. iba't-bang tanawing nakakaaliw sa iyong mga mata. Pwede kang kumuha ng litrato kahit saang banda. Makikita mo rito ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak makikita sa gilid ng mga upuan . Tuwing pista o kahit anong pagdiriwang iniiba nila ang mga disenyo ng mga letra. Nakabasi itong kung anong pagdiriwang meron tayo. May kumuha parin ng litrato kahit gabi na. Dito mo kasi makikita ang mga ilaw na may iba't-ibang kulay. Noonh unang pasok ko palang rito makikita mo na agad ang mga maliit na mesang nakalagay sa gitna ng lugar. Ngayon ang dami ng mesang nakadisplay sa gitna. Marami ring ang kumain dito dahil masarap nga daw ang Inihaw. Masaya talaga ang Paseo nakakatanggal ng pagod at umay. Pwede kang mupunta rito mag-isa makakahanap ka pa ng bagong kasintahan kung sawi ka talaga sa pag-ibig kumuha ka nalang ng litrato mag-isa. Kung nakita mo na lahat ng mga tanawin meron sa Paseo tiyak na uuwi kang masayat at manghang-mangha sa nakita. Makikita mo rito ang iba't-ibang disenyo ng upuan, may mga upuang semento at upuang gawa sa kahoy. Pwede kang mag lakad mag isa sa mga disenyong bato. Makikita mo rin dito ang magagandang disenyo na bangka na nakapatong sa Semento sa gilid ngdagat. May mga Rest Room ring pwede mong rentahan kung napapagod ka nang umuwi sa inyo, pwede ka ritong mag pahinga kahit isang gabi man lang. May mga masasarap ring mga pagkain na swak na swak sa bulsa, pagkaing pampawala ng gutom. May mga iba't ibang pagkain na pwedeng pwede mong bilhin, kagaya ng Barbeque, Crackers, Fries, pampalamig gaya ng buko, ice cream at shake. Ang Paseo kasi ang pinakamagandang lugar na pwede mong pasyalan. Halos lahat ng pumupunta rito ay magkakaibigan at magkapamilya. Kung gusto niyong pumasyal dito pasyal na kayo para makita niyo ang tunay na kagandahan ng Paseo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento